Saturday, July 18, 2026

PBBM, nagpaabot ng pakikiramay at tulong sa pamilya ng nasawing TNVS rider

Ipinadala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Cabinet Secretary Benhur Abalos Jr. sa burol ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) rider na si Fabio Norberte Jr. upang ipaabot ang pakikiramay ng Pangulo sa naulilang pamilya.

Nag-abot din ng ayuda ang pamahalaan at inalam ang agarang pangangailangan ng pamilya.

Ayon kay Abalos, dapat mapanagot ang responsable sa pagkamatay ni Norberte upang makamit ng pamilya ang hustisya.

Nangako rin ang kalihim ng personal na suporta para sa anak ng biktima na may autism upang makatulong sa kanilang pagbangon.

Tiniyak ni Abalos na hindi nila pababayaan ang pamilya habang bumabangon ito sa sinapit na trahedya.

Facebook Comments