Tuesday, July 21, 2026

20 paaralan sa Quezon City, solar-powered na

Mas makatitipid na sa kuryente ang mga paaralan sa Quezon City matapos mag-install ng solar-power panels ang lokal na pamahalaan sa mga paaralan.

Dahil dito, ang ilang paaralan ay makatitipid ng P930,000 sa loob ng isang taon, habang P489,000 naman sa ibang paaralan.

Sa ngayon, mayroong 170 solar panels para sa 20 paaralan sa lungsod na kasalukuyan nang nagagamit sa ilalim ng solarization program bilang bahagi ng green initiatives ng lungsod.

Kabilang dito ang San Augustin Elementary School, Novaliches High School, San Bartolome High School, at iba pa.

Samantala, layon umano ng inisyatiba na gawing solar-powered ang lahat ng paaralan sa Quezon City para maibsan ang gastusin sa kuryente ng mga paaralan, at magamit ang matitipid na pondo sa ibang pasilidad at proyekto para sa kabataan.

Facebook Comments