
Sunod-sunod ang mga aktibidad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Biyernes, Nobyembre 20, sa huling araw ng kanyang pagbisita sa Shenzhen, China.
Nakatakdang makipagpulong ang pangulo sa apat na Chinese companies na C&U Group, BYD Co. Ltd., Panhua Group at Mingyang Smart Energy Group. na susundan naman ng business roundtable discussion.
Sa 33rd APEC Economic Leaders’ Meeting, itinulak ni Marcos ang mas malawak na pagtutulungan ng mga bansa sa rehiyon, partikular sa ekonomiya at seguridad sa karagatan.
Nanawagan din siya ng sama-samang pagkilos laban sa ilegal na pangingisda.
Nagbunga rin ang pakikilahok ng Pilipinas sa summit ng paglagda sa kasunduang pangkalakalan kasama ang Chile, na inaasahang magpapalawak sa merkado ng mga produktong Pilipino.
Alas-dose ng tanghali, haharap ang Pangulo sa media bago umalis sa Shenzhen bandang alas-tres ng hapon at bumalik sa Pilipinas.










