ANTI-SMOKING AT ANTI-VAPING SEMINAR, ISINAGAWA SA BARANGAY POGO, ALAMINOS CITY

Aktibong nakiisa ang Barangay Pogo sa ginanap na Orientation Seminar on City Ordinance No. 2024-13, na naglalayong palakasin ang pagpapatupad ng No Smoking and No Vaping in Public Places sa lungsod.

Tinalakay sa seminar ang mga epekto ng paninigarilyo at paggamit ng vape sa kalusugan. Nagbahagi naman si Dra. Daphne Uson ng mahahalagang impormasyon hinggil sa mga panganib na dulot ng smoking at vaping.

Samantala, ipinaliwanag ni Atty. Melanie Aonan ang mahahalagang probisyon ng City Ordinance No. 2024-13, kabilang ang mga alituntunin kaugnay ng pagbabawal sa paninigarilyo at pagva-vape sa mga pampublikong lugar.

Layunin ng naturang orientation na higit na mapalawak ang kaalaman ng mga barangay officials at iba pang community representatives upang makatulong sa epektibong pagpapatupad ng ordinansa at maprotektahan ang kalusugan ng publiko.

Patuloy namang hinihikayat ang mga residente na makiisa sa mga programang nagtataguyod ng malinis, ligtas at smoke-free na kapaligiran. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments