Nasungkit ni Hannah May Aladin, Grade 10 student ng Juan G. Macaraeg National High School sa Laoac, Pangasinan, ang titulong Grand Champion sa 2026 The Clash Teen Edition, isang national singing contest na tampok ang mga mahuhusay na batang mang-aawit mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Si Aladin, na tubong Barangay Casantiagoan, Laoac, ay itinanghal bilang kauna-unahang Grand Champion ng The Clash Teen Edition Philippines, matapos ipamalas ang kanyang natatanging talento at husay sa pagkanta sa national stage.
Ipinagmalaki naman ng kanyang paaralan, mga kababayan at buong lalawigan ng Pangasinan ang makasaysayang tagumpay ni Aladin, na nagbigay ng karangalan sa kanyang paaralan at bayan.
Naging inspirasyon din ang kanyang tagumpay sa mga kabataang nangangarap na maabot ang kanilang mga mithiin, patuloy na linangin ang kanilang talento, at maniwala sa sariling kakayahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments