Pinagtibay ng lokal na pamahalaan ng Umingan at Department of Environment and Natural Resources o DENR ang kanilang pagtutulungan para sa pangangalaga at proteksyon ng wildlife sa Mt. Caraballo.
Sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement o MOA, isusulong ng dalawang panig ang implementasyon ng Mt. Caraballo Critical Habitat for Philippine Deer and Other Wildlife Threatened Species.
Isinagawa ang seremonya ng paglagda sa kasunduan noong Setyembre 7, 2026, bilang bahagi ng mga hakbang upang maprotektahan ang mga nanganganib na uri ng hayop at mapangalagaan ang kanilang natural na tirahan.
Layunin din ng programa na palakasin ang conservation efforts at pangangalaga sa biodiversity sa Mt. Caraballo.
Ayon sa LGU Umingan, patuloy itong makikipagtulungan sa DENR at iba pang katuwang na organisasyon upang mapangalagaan ang mga likas na yaman at matiyak na mapapakinabangan at mapapangalagaan pa ito ng mga susunod na henerasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








