Apat na libong magsasaka mula sa 75 barangay ang nabigyan ng tulong ng lokal na pamahalaan ng San Carlos City para sa kanilang pagsasaka.
Sa ginanap na distribusyon sa Bliss Pagal, San Carlos City, ipinamahagi ang 4,000 sako ng mga kagamitang pansaka sa ilalim ng programa ng lungsod para sa tuloy-tuloy na suporta sa produksyon ng sektor ng agrikultura.
Ang naturang programa ay naglalayong mabawasan ang kanilang gastusin sa produksyon at makatulong sa pagpaparami ng ani.
Inaasahan ding makatutulong ito sa pagpapalakas ng kita at kabuhayan ng mga magsasaka.
Pinangunahan ng City Agriculture Office ang pamamahagi.
Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na patatagin ang sektor ng agrikultura at matiyak ang sapat na suplay ng pagkain sa San Carlos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











