Timbog ang isang 20-anyos na lalaki matapos makumpiskahan umano ng 1 gramo ng suspected marijuana kush sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Mangatarem, Pangasinan, gabi ng Setyembre 10, 2026.
Ayon sa ulat, isinagawa ng mga tauhan ng Mangatarem Municipal Police Station (MPS) ang operasyon sa koordinasyon ng PDEA Regional Office 1.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa suspek, na isang high school graduate at residente ng Mangatarem.
Nakumpiska sa operasyon ang tatlong transparent zip-lock sachet na naglalaman ng kabuuang 1 gramo ng hinihinalang marijuana kush, na may tinatayang standard drug price na ₱3,000.
Narekober din ng mga awtoridad ang isang ₱500 buy-bust money at isang motorsiklo na walang plaka.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng nararapat na kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











