Isinusulong ang kahusayan sa wikang Filipino ng mga guro sa Schools Division Office ng Alaminos City sa pamamagitan ng pagsasailalim sa mga ito sa tatlong-araw na pansangay na pagsasanay sa kasanayan sa pagsulat gamit ang Ortograpiyang Filipino.
Isinagawa ang nasabing pagsasanay noong Nobyembre 19 hanggang 21, 2026, sa SDO Educators’ Hall, na nilahukan ng mga piling guro mula sa iba’t ibang paaralang elementarya at sekondarya sa division.
Pinangunahan ni Dr. Edna C. Caserial, Pansangay na Tagamasid sa Filipino, ang gawain, kasama ang mga tagapagsalita mula sa iba’t ibang paaralan.
Tinalakay sa pagsasanay ang mga pamantayan sa wastong pagsulat, digital na ortograpiya, mga estratehiya sa pagtuturo, at malikhaing pagsulat.
Nagsagawa rin ang mga kalahok ng mga palihan, kabilang ang aktuwal na pagbuo ng storybook bilang pangwakas na output.
Layunin ng programa na linangin ang kakayahan ng mga guro sa wasto, mabisa, at makabuluhang paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo at pagkatuto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








