
Hindi naka-diretso ang Laban Mangagawa sa Mendiola, Maynila para isagawa ang kanilang kilos-protesta kasabay ng Labor Day, May 1.
Ito ay dahil sa Recto Avenue pa lang ay hinarangan na ng pulisya ng container van, barikada, at bireb wire ang mga daan para hindi na makausad pa ang mga raliyesta; habang bantay sarado rin naman ng pulisya ang Mendiola, Maynila.
Gayunpaman, itinuloy pa rin ng Laban Mangaggawa ang kanilang programa sa gilid ng kalsada ng Recto nang may 100 hangang 150 meters na pagitan mula sa nasabing harang.
Ayon sa mga raliyista, hindi na sila nagpumilit o nakipag negosasyon dahil may barikada na ang nasabing area at hindi rin naman sila makakalusot.
Tumagal ng 30 mins ang programa kasama ang nasa mahigit-kumulang 3-K kalahok mula sa iba’t ibang coalition sa ilalim ng Laban Manggagawa; habang nagmartsa naman sila pagkatapos papunta sa Kalaw Avenue sa Ermita Maynila.










