Nasa huling yugto na ang pagsasaayos ng Bussaoit Small Water Impounding Project (SWIP) sa Bacnotan matapos itong masira nang hagupitin ng Bagyong Emong noong Setyembre ng nakaraang taon.
Personal na sinuri ng lokal na pamahalaan ang proyekto noong Mayo 13, kasabay ng koordinasyon sa Department of Agriculture–Bureau of Soil and Water Management (DA-BSWM) upang matiyak ang tuloy-tuloy na rehabilitasyon ng pasilidad.
Ayon sa ulat, patuloy ang pagtatrabaho sa nasirang earth dam na inaasahang muling magsisilbing mahalagang suplay ng tubig para sa irigasyon ng mga sakahan sa lugar.
Nagsagawa rin ng pulong ang Bussaoit Small Water Irrigation System Association (SWISA) kasama ang mga kinatawan ng dalawang tanggapan upang pag-usapan ang kahandaan sa muling operasyon at pamamahala ng pasilidad sa oras na matapos ang rehabilitasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






