Pormal nang sinimulan sa Alaminos City ang Day 1 ng Kabataan Iwas Droga (KID) Pulis Ko Gabay Ko Youth Camp 2026 na layuning palakasin ang liderato, disiplina, at pakikilahok ng kabataan sa komunidad.
Naging tampok sa pagbubukas ng programa ang paglagda sa memorandum of understanding sa pagitan ng SK Federation ng Alaminos City at ng Pangasinan 1st Provincial Mobile Force Company.
Layunin umano ng kasunduan na higit pang pagtibayin ang ugnayan ng mga youth leaders at law enforcement sa pagsusulong ng civic responsibility at aktibong partisipasyon ng kabataan sa mga programang pangkomunidad.
Bilang bahagi rin ng aktibidad, nagsagawa ng Basic Life Support training ang City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Alaminos City upang maturuan ang mga kalahok ng wastong pagtugon sa mga emergency situation.
Binigyang-diin din sa programa ang kahalagahan ng Kabataan Iwas Droga (KID) bilang bahagi ng kampanya laban sa ilegal na droga at sa pagpapaunlad ng kakayahan ng kabataan, partikular sa leadership at empowerment. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣





