Friday, May 1, 2026

Senador, umapela sa ERC na huwag mag-alinlangang utusan ang Meralco ng full refund sa mga consumers

Iginiit ni Senator Risa Hontiveros sa Energy Regulatory Commission (ERC) na huwag mag-alinlangang utusan ang Meralco na ibigay ang full refund sa mga consumers.

Ayon kay Hontiveros, ang ₱14.17 billion na ipinababalik sa mga consumers ay barya lamang at ito ay bahagi pa ng ipinare-refund ng ERC sa Meralco na ₱19.96 billion noong nakaraang taon.

Sinabi ng senadora na hangga’t hindi naibabalik sa consumers ang buong ₱100 billion na sobra sa koleksyon ng Meralco ay bitin lamang ang mahigit ₱14 billion na refund.

Nangangahulugan lamang din aniya na matagal nang may perang dapat bumalik sa mga consumer ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin.

Hinikayat pa ni Hontiveros ang ERC na manguna sa full, independent, at komprehensibong review sa mga umiiral na practices at rates na may kaugnayan sa koleksyon ng Meralco.

Facebook Comments