Tuesday, April 28, 2026

US citizen, arestado ng PDEA sa NAIA Terminal 3 matapos makumpiskahan ng marijuana kush

Arestado ang isang United States citizen matapos makumpiskahan ng marijuana kush sa isang interdiction operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Kinilala ang arestado sa alyas na “Jermaine,” 48 anyos, isang information technology contractor ng pamahalaan ng Estados Unidos.

Palabas na umano ng bansa si alias Jermaine patungong Singapore nang mahulihan ng ilegal na droga at drug paraphernalia sa kaniyang bagahe.

Nakuha mula sa transparent plastic na nasa loob ng itim na backpack ang apat na gramo ng marijuana kush na may tinatayang street value na P6,000.

Facebook Comments