LTO, bumuo na ng TWG na tututok sa pagpapatupad ng NCAP

65
Bumuo na ang Land Transportation Office (LTO) ng Technical Working Group (TWG) para tumulong sa pag-aayos ng mga alituntunin sa pagpapatupad ng no contact apprehension policy (NCAP).
Ito ay ilang araw bago ang pakikipagpulong ng LTO sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at sa mga Local Government Units (LGU).
Ayon kay LTO Chief Teofilo Guadiz III, tatalakayin ng TWG ang mga posibleng panukala hinggil sa NCAP bago ang gagawing pulong.

Nauna nang sinabi ni LTO – National Capital Region Dir. Clarence Guinto na nakipag-usap na sila sa mga kinauukulang opisyal, gayundin sa ilang transport groups ukol sa isyu.
Umaasa naman ang LTO na ang mapapagkasunduang guidelines kaugnay ng NCAP ay patas at katanggap-tanggap sa lahat.
Facebook Comments