Friday, August 21, 2026

Mga kompanyang hindi nag-recycle ng plastic, posibleng maharap sa milyon-milyong multa —Palasyo

Milyon-milyong pisong multa ang maaaring harapin ng mga kompanyang hindi tumutupad sa batas sa pag-recycle at pagbabawas ng plastic waste.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, may 155 kompanya nang pinadalhan ng show cause order dahil hindi umano nakakasunod sa kanilang obligasyon sa ilalim ng Extended Producer Responsibility o EPR Law.

Sa ilalim ng batas, kailangang mabawi at ma-recycle ng mga kompanyang gumagamit ng plastic packaging ang hindi bababa sa 60 porsiyento ng kanilang packaging waste.

Patuloy namang sinusuri ng Department of Environment and Natural Resources o DENR sa pamamagitan ng pag-audit sa dami ng basurang nare-recover ng bawat kompanya.

Giit ni Castro, mahalagang mapanagot ang mga kumpanyang hindi sumusunod, lalo na’t plastic ang malaking bahagi ng basurang nakikitang bumabara sa mga ilog sa Metro Manila.

Facebook Comments