Wednesday, August 19, 2026

Suplay ng gamot kontra leptospirosis, sapat pa —Palasyo

Tiniyak ng Malacañang na sapat ang suplay ng gamot para sa leptospirosis at iba pang sakit na maaaring idulot ng patuloy na pagbaha at pag-ulan.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, nakatanggap ang Palasyo ng impormasyon mula sa Department of Health o DOH na sapat ang suplay ng mga kinakailangang gamot, kabilang ang doxycycline para sa leptospirosis.

Hinimok naman ng Palasyo ang mga ospital at health facilities na agad ipaalam sa PCO o DOH kung makararanas ng kakulangan ng gamot sa kanilang lugar, para mabilis itong mapunan.

Kasabay nito, pinaalalahanan ang mga lumusong sa baha na agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health center, lalo na kung may sintomas ng leptospirosis.

May libreng konsultasyon at doxycycline sa mga health center, ngunit dapat itong gamitin batay sa payo ng health professional.

Facebook Comments