Friday, August 21, 2026

Pakikilahok ng komunidad sa kaligtasan ng mga estudyante, panawagan ng PNP

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) ng patuloy na pagbabantay at mas malakas na pakikilahok ng komunidad sa kaligtasan ng mga estudyante.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang seguridad sa eskwelahan ay hindi lamang sa mga guwardiya, cameras, at iba pang hakbang pangseguridad.

Ayon sa kanya, kailangan ng mas mahigpit na pakikipagtulungan ng pulisya sa mga paaralan at komunidad upang matukoy ang mga banta bago pa ito mauwi sa karahasan.

Dagdag pa nya, ang seguridad sa mga eskwelahan ay isang hating responsibilidad, kung kaya’t hinihikayat nito ang mga magulang, guro, estudyante, at komunidad na manatiling mapagmasid, bumuo ng matibay na komunikasyon sa mga kabataan, at agad na i-report ang anumang banta o warning signs na maaring magdulot sa isang trahedya.

Ang pahayag na ito ng PNP ay bilang suporta sa panawagan ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara na regular na kumustahin ng mga komunidad ng paaralan ang mga estudyante at bumuo ng mas matibay na ugnayan sa kanila.

Facebook Comments