Wednesday, November 4, 2026

Ugnayan ng pamahalaan at pribadong sektor para mapalawak ang space industry paiigtingin

Itinutulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas pinaigting na pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor upang mapalawak ang space industry at makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Sa pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council o PSAC Digital Infrastructure Sector Group, tinalakay ng Pangulo ang mga oportunidad sa space industry, pagpapalakas ng digital economy at pagpapahusay sa kakayahan ng mga manggagawang Pilipino.

Binigyang-diin ni Marcos na dapat mabigyan ng sapat na oportunidad ang mga Pilipinong may kakayahan, gayundin ang maliliit na negosyo na malaking bahagi ng ekonomiya ng bansa.

Inaasahan ng Pangulo na sa tulong ng pribadong sektor, mas maraming Pilipino ang makikinabang sa mga bagong trabaho at oportunidad na hatid ng lumalawak na digital at space industry.

Facebook Comments