Thursday, November 12, 2026

PBBM, ininspeksyon ang mga huling paghahanda sa ASEAN Summit

Personal na sinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahandaan ng mga pangunahing pasilidad na gagamitin sa 49th ASEAN Summit and Related Summits sa susunod na linggo.

Kabilang sa ininspeksyon ng pangulo ang Media Hall sa Philippine International Convention Center (PICC) at ang International Media Center sa World Trade Center.

Layon nitong matiyak na maayos ang mga pasilidad para sa pagdaraos ng mga pulong at opisyal na aktibidad.

Gayundin ang pagtanggap sa mga lider mula sa 11 bansang kasapi ng ASEAN, siyam na dialogue partner countries at tinatayang 5,000 media delegates.

Ayon sa pangulo, inaasahang magdadala ang summit ng dagdag na trabaho, kabuhayan at oportunidad para sa mga Pilipino.

Kinilala rin niya ang mga manggagawa at lokal na negosyong katuwang sa paghahanda para sa pagtitipon.

Facebook Comments