
Wala pang planong magdeklara ng state of imminent disaster si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kabila ng epekto ng super El Niño sa bansa.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, kaya pa namang tugunan ng gobyerno ang pangangailangan ng mga apektadong lugar.
Ito ang tugon ng Palasyo matapos manawagan ang 20 senador na magdeklara na ng state of imminent disaster dahil sa matinding epekto ng El Niño.
Kabilang sa mga hakbang ng gobyerno ang paggamit ng solar-powered irrigation systems, pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka, at cloud seeding para makatulong sa suplay ng tubig.
Tiniyak naman ni Castro na kumpiyansa ang pangulo sa mga hakbang ng Department of Agriculture at iba pang ahensya.
Bagama’t wala pang planong magdeklara ng disaster, tinanggap naman ng Palasyo ang panukala ng Senado bilang suporta sa ginagawa ng pamahalaan.










