
Ibinahagi ni Communications Undersecretary Claire Castro ang naranasan niyang pang-iinsulto matapos siyang lapitan at sigawan ng ilang nagra-rally sa labas ng pagtitipon ng Filipino community sa Vancouver, Canada, habang kumukuha sila ng video.
Ayon kay Castro, kinuyog sila ng ilang nagpoprotesta kahit ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.
Sinabi rin niyang nakaramdam siya ng banta dahil sa asal ng grupo.
Aniya, ang ipinakita umanong pag-uugali ng mga ito ay repleksiyon ng kanilang sinusuportahang personalidad.
Facebook Comments










