Friday, July 10, 2026

Ilang grupo, nanindigan na pag-aari ng Pilipinas ang Batanes

Nanindigan ang grupong Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) na hindi kailanman bahagi ng Tsina ang Batanes.

Ayon kay ABKD Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, bahagi ng Pilipinas ang Batanes kung saan walang karapatan ang ibang bansa na angkinin ito.

Giit ni Goitia, dapat maging mapagmatyag ang bawat Pilipino sa mga pagtatangkang baluktutin ang katotohanang ito.

Aniya, hindi dahil mababago nito ang ating kasaysayan, kundi dahil ang paulit-ulit na kasinungalingan ay maaaring humubog sa pananaw ng daigdig.

Hindi kailanman kinailangan ng Batanes na sabihan ng ibang bansa kung saan ito nabibilang lalo na’t sa loob ng maraming salinlahi, namuhay ang mga Ivatan sa ilalim ng watawat ng Pilipinas.

Walang international na kasunduan o hukumang pandaigdig ang kailanman kumilala sa Batanes bilang teritoryo ng Tsina.

Muling paliwanag ni Goitia na ang soberanya ay hindi nasusukat sa layo ng teritoryo o sa pagkakapareho ng lahi kung saan ito ay hinuhubog ng kasaysayan, pinagtitibay ng batas, pinananatili ng mabuting pamamahala, at ipinagtatanggol ng nagkakaisang mamamayan.

Facebook Comments