2 ESTABLISYEMENTO SA SAN JUAN, ILOCOS SUR, NASALPOK NG PAMPASAHERONG BUS

Nasira ang dalawang establisyemento sa bayan ng San Juan, Ilocos Sur matapos sumalpok dito ang isang pampasaherong bus kagabi, Nobyembre 11.

Batay sa imbestigasyon ng San Juan Municipal Police Station, minamaneho ng 52-anyos na lalaki, residente ng Barangay 1 San Lorenzo, Laoag City, Ilocos Norte, ang nasabing bus na noon ay bumabaybay sa national highway ng Barangay Guimod Sur, San Juan, Ilocos Sur, nang mawalan ito ng kontrol sa manibela.

Dahil dito, tuluyang bumangga ang bus sa dalawang establisimyento sa gilid ng kalsada.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente, ngunit nagdulot ito ng pinsala sa dalawang negosyo at sa unahang bahagi ng bus. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments