2 NOTORYUS NA TULAK, TIMBOG

19
Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga otoridad ang dalawang notoryus na tulak ng ipinagbabawal na gamot sa ikinasang drug buy bust operation sa Pengue-Ruyu, Tuguegarao City, Cagayan.

Kinilala ang dalawang drug personalities na kabilang sa listahan ng High Value Individuals ((HVIs) ng PNP at PDEA na sina Jomarie Laman, 25 taong gulang, residente ng nasabing barangay at Narwin Ordonio, 25 taong gulang, residente naman ng Centro 10, Tuguegarao City.

Natimbog ang dalawang tulak sa isinagawang drug buy-bust operation ng pinagsanib pwersa ng Tuguegarao Police Station, PDEA at Cagayan PDEU/PIU na pinangunahan ni PLT ROMAR ACEBEDO sa pamumuno ni PMaj Joefferson Gannaban sa Maharlika Highway sa nabanggit na barangay dakong alas 4:35 ng hapon noong April 27, 2022.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang limang (5) pakete na naglalaman ng humigit kumulang 525 grams ng tuyong dahon ng Marijuana, isang cellphone at ang P1,000 bill na buy bust money.

Tinatayang aabot sa P20,000 ang halaga ng nakumpiskang marijuana mula sa mga suspek.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments