
Patay ang dalawang hinihinalang myembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang naging engkwentro ng militar sa Barangay Del Pilar, Naujan, Oriental Mindoro, kahapon.
Habang ang isa pang kasama nila na hinihinalang NPA rin ang naaresto sa nasabing operasyon.
Sa ulat ng 203rd Infantry Brigade ng Philippine Army, nagsagawa ng operasyon ang mga sundalo kasunod ng ulat na may presensya sa lugar ng mga armadong myembro kung saan dito na nagkaroon ng palitan ng mga putok sa pagitan ng militar.
Narekober sa lugar ang ilang bahagi ng improvised explosive device o IED, pagkain at mga personal na gamit na iniwan ng mga tumakas na kasamahan ng mga ito.
Patuloy naman ang pagtugis ng militar sa iba pang miyembro ng grupo na nakatakas.
Facebook Comments










