Thursday, July 30, 2026

Senado, walang natatanggap na request para makalahok sina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta sa impeachment trial

Nilinaw ni Senate President Sherwin Gatchalian na wala siyang natatanggap na formal request para sa paglahok nina Senators Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ito aniya ang dahilan kaya hindi makaaksyon ang Senado tungkol sa kanilang partisipasyon kahit pa napag-uusapan na ito sa iba’t ibang forum.

Kinumpirma ng senador na nakatanggap siya ng liham mula kay Marcoleta subalit ito’y naglalahad lamang ng opinyon ng mambabatas tungkol sa presiding officer at sa 2/3 o 16 na botohan para sa conviction.

Wala aniyang nakasaad dito tungkol sa paglahok ng senador sa paglilitis.

Nagpaliwanag naman si Gatchalian na sa kaso ni Estrada ay hindi pa ito maaaring lumahok sa gawain o trabaho sa Senado dahil sinuspindi ito ng 90 araw ng Sandiganbayan bilang senador at kasama rito ang pagiging senator-Judge.

Facebook Comments