Nakakaranas ng power interruption ngayong araw ang ilan sa mga barangay ng Alaminos City na nagsimula mula alas-6 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon ngayong araw ng Martes Abril 28, 2026.
Layunin ng walong oras na pansamantalang pagkawala ng kuryente ang pagsasagawa ng iba’t ibang maintenance activities upang mas mapabuti ang serbisyo ng kuryente sa lugar.
Kabilang sa mga isasagawang gawain ang annual preventive maintenance ng power transformers at mga kaugnay nitong kagamitan, pagwawasto ng hotspots, right of way clearing ng 69kV sub-transmission line, at maintenance ng circuit reclosers at automatic voltage regulators (AVR).
Halos buong Alaminos City ang maaapektuhan ng nasabing power interruption, maliban sa mga barangay ng Pogo, San Roque, San Jose, Landoc, Amangbangan, Tawin-Tawin, Polo, at Inerangan.
Pinapayuhan ang mga residente at negosyo na maghanda at magsagawa ng kinakailangang hakbang upang maiwasan ang abala dulot ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente.
Humihingi naman ng paumanhin ang electric cooperative sa abalang maidudulot nito at humihiling ng pang-unawa mula sa publiko, habang isinasagawa ang mga hakbang upang mapanatili ang maayos at ligtas na suplay ng kuryente sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










