ILANG BENEPISYARYO NG AICS SA BAUTISTA, HINDI UMANO NAKAKUHA NG AYUDA

Ilang benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development ang hindi umano pagad nakatanggap ng ayuda sa itinakdang payout na sinimulan noong Abril 14, 2026.

Ayon sa lokal na pamahalaan, kasalukuyan na umanong tinutukoy ang detalye sa records ng mga apektado at muling isusumite sa DSWD Field Office I para sa beripikasyon.

Ayon sa patakaran, ang mga benepisyaryo ay dumaraan sa assessment at validation ng social worker at kinakailangang magsumite ng tamang dokumento tulad ng valid ID at patunay ng pangangailangan.

Kaugnay nito, bibigyan umano sila ng panibagong schedule matapos ma-validate ng DSWD ang kanilang detalye.

Facebook Comments