Saturday, November 7, 2026

MAHUSAY NA PAGPAPATUPAD NG MGA PROGRAMA SA NUTRISYON SA ILOCOS REGION, KINILALA NG NNC; HIGIT 200 NUTRISYON ADVOCATES, DUMALO

Pinarangalan ng National Nutrition Council – Regional Nutrition Office I o NNC-RNO1 ang mga natatanging lokal na pamahalaan at tagapagpatupad ng mga programa sa nutrisyon sa Ilocos Region sa pamamagitan ng 2025 Gawad Parangal ng Nutrisyon sa Rehiyon Uno.

Isinagawa ang awarding ceremony noong November 5, 2026 sa San Carlos City, Pangasinan kung saan layon na bigyang-pagpapahalaga ang mga nagawa at inisyatibo ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapalakas ng mga programa sa nutrisyon, partikular ang mga sumailalim sa 2026 Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Protocol o MELLPI Pro.

Binigyang-diin ni National Nutrition Council Deputy Executive Director Atty. Rosalina Bascao ang mahalagang papel ng matatag na pamumuno ng mga lokal na pamahalaan upang maisulong ang mga programang pangnutrisyon.

Dapat tin na nabibigay ang pangangailangan ng sapat na pondo, maayos na koordinasyon, at tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga programa nang sa gayon ay siguradong maaabot ng komunidad ang mga serbisyong pangnutrisyon.

Dinaluhan ang pagtitipon ng mahigit 200 nutrition advocates, kinatawan ng mga lokal na pamahalaan, at mga pinarangalan mula sa apat na lalawigan sa Region I.
Nagsilbi rin itong pagkakataon upang maipakita ang mga nakamit ng bawat lokalidad at higit pang mapagtibay ang pagtutulungan para sa pagpapabuti ng mga programa at serbisyong pangnutrisyon sa buong rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments