Sunday, May 31, 2026

Jay Sonza, tuluyan nang nakalaya

Pansamantalang pinalaya ng Pasay Regional Trial Court (RTC) si Jay Sonza matapos arestuhin noong Huwebes ng gabi.

Kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na naproseso na ang P10,000 piyansa ni Sonza.

Kinumpirma rin ng abogado ni Sonza na si Atty. Mark Tolentino na may release order na ang kanyang kliyente mula sa Pasay City RTC Branch 118.

Si Sonza ay nakulong ng 5 araw dahil sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Facebook Comments