Balik-normal agad kinabukasan ang operasyon ng mga manlalako sa San Carlos City Old Public Market, matapos tuluyang maapula ang ikalawang sunog na sumiklab sa lugar noong tanghali ng Abril 30,2026.
Ayon kay Milinda, isang pharmacist sa pamilihan, panatag na umano ang kanilang kalooban sa kasalukuyan. Ikinuwento niya na noong kasagsagan ng sunog, agad nilang isinalba ang kanilang mga panindang gamot at iba pang produkto na isiniksik sa mga sako kahit pa posibleng mabasag ang mga ito.
Ang ilan sa mga stall owners ay pansamantala ring lumipat sa likurang bahagi ng kasalukuyang pamilihan.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog. Wala rin umanong naitalang nasugatan o nasawi sa insidente.
Sa kasalukuyan, hinihintay pa ng IFM News Dagupan ang opisyal na pahayag mula sa lokal na pamahalaan kaugnay ng naturang insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








