Wednesday, May 13, 2026

Pahayag ni Senator Dela Rosa na nakipag-wrestling sa mga aarestong agent, itinanggi ng NBI

Mariing itinaggi ng National Bureau of Investigation o NBI ang pahayag ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa hinggil sa pagkakasugat nito sa ilang bahagi ng kanyang katawan.

Ito ay dahil sa pakikibagbuno umano niya sa mga ahente ng NBI na aaresto sa kanya.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, itinulak umano ng senador ang dalawang babaeng ahenteng NBI nang tangkaing ihain sa kanya ang warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) bago ito tumakas.

Hindi rin aniya totoo na tinackle o sinaktan si Dela Rosa dahil may layong humigit-kumulang tatlong metro ang pagitan ng mga NBI agent at ng senador.

Maituturing naman aniyang “evading arrest” ang ginawang pagtakas ni Dela Rosa sa mga huhuli sa kanyang mga operatiba ng NBI.

Ang warrant of arrest mula ICC at natanggap ng NBI noong Lunes ng umaga at agad silang nakipag-ugnayan sa Senado, na noon ay nasa ilalim pa ng pamumuno ni dating Senate President Vicente Sotto III.

Nakatanggap din umano sila ng intelligence information na dadalo si Dela Rosa sa sesyon ng Senado kaya nagtalaga ang NBI ng 40 personnel sa loob at labas ng gusali para sa operasyon.

Facebook Comments