Rice for All Program ng DA, tatapyasan pa ang presyo simula bukas

Simula bukas, February 12, tatapyasan pa ang presyo ng Rice for All Program ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nasa tatlong piso ang itatapyas sa presyo ng kada kilo ng bigas.

Dahil dito ang RFA program na 5% broken na dating P45 ay magiging P42 na.


Tatlong piso rin ang mababawas sa RFA 25% broken na dating P38 kaya’t magiging P35 na habang ang RFA na 100% broken na dating P36 ay magiging P33 na.

Paliwanag ng kalihim, bunga ito ng patuloy na pagbaba umano ng presyo ng bigas ng international market.

Facebook Comments