Chinese research vessel na unang namataan sa Palawan nasa bahagi na ng Mindoro —AFP

Palabas na ng bansa ang Chinese research vessel na huling na-monitor sa Eastern waters ng Palawan.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, nasa 17 nautical miles West Northwest na ng Lubang, Occidental Mindoro ang Lan Hai 101.

Aniya, nasa 12 knots ang bilis nito at pabalik na ng China.


Paliwanag ni Trinidad, wala namang violation ang Chinese research vessel dahil pasok ito sa innocent passage.

Nabatid na noong unang namataan ang barko, agad nagpadala ng radio challenge ang Pilipinas kung saan, sinagot sila nito at sinabing umiiwas lamang sa maalong karagatan sa kanlurang bahagi ng Palawan.

Sa panig ng Armed Forces of the Philippines (AFP) inescortan ito ng Phil. Navy vessel na BRP Andres Bonifacio at BRP Melchora Aquino ng Philippine Coast Guard (PCG) habang nasa loob ng ating Exclusive Economic Zone.

Facebook Comments