3 TRAINEES NG 5ID, BIGONG MAKASAMA SA MGA NAGTAPOS NGAYONG ARAW

29
Cauayan City, Isabela- Posibleng mawala na parang bula ang pinaghirapan ng tatlong trainees matapos na hindi mapabilang sa mga nagtapos na bagong sundalo ng 5th Infantry Division ngayong araw sa Division Training School, Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Sa mismong graduation ceremony ng 243 na bagong sundalo ng 5ID, Philippine Army sa ilalim ng MAKISIG ALAB Class 692 at SANIB LAHI Class 693, sinabi ni MGen Laurence Mina, Commander ng 5ID na may tatlo sa batch ng mga nagtapos ngayong araw hindi pinasama sa listahan ng mga grumaduate.

Lumabag umano sa mga ipinagbabawal ng training school ang tatlong trainees sa pamamagitan ng pag-inom umano ng alak bago ang araw ng kanilang graduation.

Tiniyak naman ng Pinuno ng 5ID na may kalalagyan ang tatlong natiklong trainee na kabilang sa SANIB LAHI Class 693.

Gayunman, ikinalukungkot pa rin ni General Mina ang sinapit ng tatlong trainee na sana’y kasama rin sa mga nagsipagtapos ngayong araw.

Samantala, inihayag naman ni Captain Rigor Pamittan, pinuno ng DPAO na pag-aaralan pa rin ng Board ang magiging pinal na desisyon sa mga lumabag na trainees kung talagang tatanggalin na sila sa Philippine Army.

Facebook Comments