Saturday, June 6, 2026

P22.5 million na halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa Davao del Norte; 8, arestado

Nahuli ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang walong indibidwal matapos masabat sa kanila ang mga smuggled na sigarilyo sa Brgy. Lapas, Carmen, Davao del Norte.

Ang walong nahuling suspek ay kinilala bilang sina alyas “Eron,” “Said,” “Mali,” “Jaji,” at “Win” mula sa Jolo, Sulu at “Wade,” “Mar,” at “Munir” na mula naman sa Davao City.

Sila ay naaktuhang nakasakay sa isang bangkang de motor na tinatawag na jungkong habang binabyahe ang master cases ng smuggled na sigarilyo mula sa Sulu.

Kung saan napagalaman na ang mga nasabing sigarilyo ay walang kaukulang mga dokumento para ibyahe,idistribute at ibenta.

Narekober sa lugar ang 900 master cases ng assorted na sigarilyo na may estimated value na P22,500,000.

Nakuha rin sa lugar ang bangkang de motor, dalawang container vans, tatlong sasakyan, at walong cellphones.

Nahaharap naman sa mga kaukulang kaso ang mga naarestong suspek.

Facebook Comments