Friday, June 5, 2026

“Bogus hearing” ng paksyon ni SP Cayetano, tinawag na insulto sa institusyon ng senado

Tinawag ng bagong mayorya na insulto sa institusyon ang idinaos na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee (BRC) sa maanomalyang flood control projects sa ilalim ng paksyon ni Senator Alan Peter Cayetano.

Sa joint statement ng Solid Bloc 12, hinimok ng grupo ang mga kasamahan na abandonahin ang anila’y “bogus hearing” at igalang ang rules, ang quorum at ang kabubuo pa lang na bagong liderato ng Senado.

Iginiit sa statement na nararapat para sa mga Pilipino ang mga senador na pumapasok sa trabaho at hindi para sa drama.

Giit ng grupo, hindi sila dumadalo ng mga sesyon at ngayon naman ay nag-grandstanding sila ng isang hindi opisyal at hindi awtorisadong pagtitipon.

Binigyang-diin pa ng bagong majority bloc na ang ginawang bogus hearing ay insulto sa institusyon at sa mga Pilipinong nagbabayad ng kanilang pinaghirapang buwis sa kada minutong circus na ito.

Ang nasaksihan aniya ay isang pagnanakaw ng kapangyarihan na nagkukubli bilang isang “inquiry” at “oversight”.

Facebook Comments