Saturday, June 6, 2026

Patuloy na pagtawag sa bagmen ni Zaldy Co bilang “18 marines”, inalmahan ng AFP

Inalmahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang patuloy na pagtawag na “18 marines” sa mga naging bagmen ni dating Congressman Zaldy Co.

Sila ang mga indibidwal na nagdala ng malemaletang pera sa ilan umanong mga personalidad.

Sa inilabas na mensahe ng AFP, sinabi ng Chief Public Affairs Office nito na si Col. Xerxes Trinidad na nakikiusap ang militar na wag nang tawagin 18 marines o ex-marines ang nasabing grupo.

Bukod kasi sa katotohanang hindi naman sila lahat myembro ng Philippine Marine Corps. , binigyang diin ni trinidad na lahat ng mga dating sundalo ay wala na sa serbisyo nang magtrabaho ang mga ito bilang security ni Co.

Nabatid na sinabi rin ng Philippine Navy na sinibak o dishonorably discharged ang ilan sa mga nagpakilalang marines na ito dahil sa mga paglabag.

Facebook Comments