
Arestado ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang drug suspect sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Bahay Toro sa Quezon City.
Kinilala ang suspek na si alyas “Gaudencio” 43 years old at residente ng Brgy. Baesa Quezon City.
Narekober sa nasabing suspek ang 70 grams ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P476,000 kasama ng buy-bust money na ginamit sa nasabing operasyon.
Napagalaman pa ng pulisya na ang nasabing suspek ay dati nang naaresto noong 2017 kaugnay ng ilegal na droga na nangangahulugang nagpapatuloy ang pagkakasangkot nito sa nasabing ilegal na aktibidad.
Dahil dito nahaharap muli sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasabing suspek.
Facebook Comments










