Nagsampa ng reklamong obstruction of justice ang Tindig Pilipinas at isang civil society group laban kina Senate President Alan Peter Cayetano, Senator Robinhood Padilla, at dating Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca sa Office of the Ombudsman ngayong Miyerkules ng umaga, June 3.
 
Kaugnay ito sa naging papel ng mga respondent sa pagtakas ni Senator Bato Dela Rosa noong May 13 mula sa arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court (ICC).
 
Partikular sa reklamo ang pagpapagamit umano ng sasakyan ni Padilla kay Dela Rosa at ang pagsasailalim ni Cayetano kay Dela Rosa sa protective custody.
 
Giit ni Kiko Dee, co-convenor ng Tindig Pilipinas, hindi dapat ginagamit ng mga opisyal ng gobyerno ang kanilang tanggapan upang hadlangan ang hustisya.

Facebook Comments