
Nakumpiska ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kasama ng National Meat Inspection Service (NMIS) ng Department of Agriculture (DA) sa isinagawang operasyon ang 4.4 toneladang mga karne sa Kadiwa Public Market, Basement 2, Dasmariñas, Cavite.
Kung saan ang nasabing mga karne ay tinatayang nasa 1.3 million pesos.
Ayon sa ulat ng pulisya, kinumpiska ang mga nasabing karne dahil ito ay mishandled, hindi nakarehistro at walang tatak ng pagkasuri mula sa ahensya.
Nagpaalala naman ang CIDG sa publiko na maging mapagmatyag at maging maingat sa pagbili ng anumang karne, mula man ito sa lokal o imported.
Bukod kasi sa hindi ito ligtas kainin, posible rin itong magdulot ng banta sa kalusugan.
Facebook Comments










