Wednesday, May 20, 2026

LGU SAN FABIAN, PINALALAKAS ANG KAMPANYA KONTRA MALNUTRISYON SA MGA BATA

Isyu ng malnutrisyon at kakulangan sa wastong nutrisyon ng mga bata ang isa sa mga tinututukan ngayon sa San Fabian, Pangasinan matapos ihanda ang pagpapatupad ng Supplementary Feeding Program para sa mga batang nangangailangan ng nutritional support.

Sa planning activity noong Mayo 18, tinalakay ng mga kinauukulang opisyal at tanggapan ang isasagawang feeding program, kaugnay ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Region 1 at Negotiated Procurement o Sagip Saka Program.

Ayon sa National Nutrition Council, kainitiatives sa lalawigan, isinasama at minomonitor ang mga batang kulang sa timbang at nasa panganib ng undernutrition sa pamamagitan ng naturang programa.

Kaugnay nito, dumalo sa aktibidad ang mga Child Development Workers ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), katuwang ang DSWD, mga kaugnay na tanggapan ng LGU San Fabian at Rural Sanitary Inspectors. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments