Wednesday, May 20, 2026

Pagkalat ng fake news at disinformation, malaking hamon sa House Prosecution Panel sa impeachment trial

Kinilala ng House Prosecution Panel na ang pagkalat ng fake news at disinformation ang isa sa pinakamalaking hamon na kinakaharap nila kaugnay ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ito ni House Senior Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Lorenz Defensor, na kabilang sa 11-miyembro ng House Prosecution Panel.

Ayon kay Defensor, dapat matigil ang mga troll na aniya’y nagpapakalat ng maling impormasyon at “binabarena sa isip ng mamamayan” ang mga hindi totoong balita at ebidensya.

Diin ng kongresista, ang impeachment ay isang mahalagang hakbang sa pagsusulong ng pananagutan, ngunit kailangan ding malampasan ang problema ng fake news upang makamit ang katotohanan.

Facebook Comments