Wednesday, May 20, 2026

DepEd, hinimok ang JHS at SHS learners na pasukin ang serbisyo publiko sa pamamagitan ng 2026 civil service exams

Inatasan ng Department of Education ang mga field offices nito at mga paaralan na suportahan ang kwalipikadong Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS) learners at completers sa pag-apply para sa Career Service Examination–Pen and Paper Test (CSE-PPT) sa Agosto 9, 2026.

Ito ay kasunod ng opisyal na pagkilala ng Civil Service Commission (CSC) sa mga nagtapos ng K to 12 para sa first-level government eligibility.

Layon ng hakbang na magkaroon ng oportunidad ang learners at graduates na makapasok sa serbisyo publiko at makakuha ng trabaho sa gobyerno.

Isasagawa ang examination sa Agosto 9, 2026, habang ang application period ay mula Mayo 14 hanggang Hunyo 10, 2026.

Facebook Comments