Friday, May 22, 2026

Murang bigas distribution, dapat gawin sa mga ligtas na lugar

Iginiit ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes sa Department of Agriculture (DA) na ilipat sa mga ligtas at malilim na lugar ang bentahan at pamamamahagi ng Murang Bigas at huwag sa gilid ng mga lansangan.

Hiling ito ni Ordanes sa DA makaraang masawi kamakailan ang isang senior citizen at masagutan ang iba ng sila ay masagasaan ng isang truck habang nakapila para sa murang bigas sa sidewalk sa labas ng Bureau of Animal Industry sa Visayas Avenue, Quezon City

Ayon kay Ordanes, kung maaari ay ilipat sa grounds ng Quezon Memorial Circle ang distribusyon ng murang bigas, kung saan mas ligtas ang mga benepisyaryo.

bukod dito ay nananawagan din si Ordanes sa DA na magbigay ng libreng inumin at snacks para sa mga nakabila sa murang bigas.

Dagdag pa ni Ordanes, mainam din na magdeploy ng Quick response team mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Facebook Comments