
Kinumpirma ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na 4,600 Filipino seafarers ang apektado ng giyera sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Cacdac, ang naturang Pinoy crew members ay sakay ng 500 barko.
Tiniyak naman ni Cacdac na may ugnayan na sila ng Department of Foreign Affairs (DFA) para ma-assist ang mga apektadong Pinoy seafarers.
Samantala, kinumpirma ni Cacdac na marami pa ring overseas Filipino workers (OFW) sa Middle East ang humihiling ng repatriation lalo na’t matatagalan pa bago makabawi ang ekonomiya ng mga bansang nasangkot sa giyera.
Facebook Comments










