Friday, April 17, 2026

Pag-aresto kay dating Congressman Zaldy Co, isang mahalagang hakbang tungo sa hustisya

Binigyang-diin ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III na isang mahalagang hakbang tungo sa hustisya at pagpapatupad ng batas ang pag-aresto kay dating Congressman Zaldy Co sa Prague, Czech Republic.

Para kay Dy, malinaw ang mensaheng hatid nito na mananagot ang sinumang nagtatangkang umiwas sa batas, lalo na yaong pinagkatiwalaan ng pera ng taumbayan.

Ayon kay Dy, ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay sa pagdakip kay Co ay patunay na walang puwang ang katiwalian sa kaniyang pamumuno.

Iginiit ni Dy na malinaw ngayon ang pagpupursige ng administrasyon na mapanagot ang mga sangkot sa katiwalian, lalo na sa maanomalyang implementasyon ng flood control projects.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Dy ang pagpapatuloy ng trabaho ng Kamara para matugunan ang pangangailangan ng bayan, lalo na sa epekto ng krisis dulot ng gulo sa Gitnang Silangan.

Facebook Comments