
Cauayan City – Isang hinihinalang street-level drug pusher ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bantug, Roxas, Isabela nitong linggo, ika-5 ng Hulyo.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Wade,” 29-anyos, may asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay San Rafael, Roxas.
Pinangunahan ng Roxas Municipal Police Station, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta sa pagkakasamsam ng tinatayang 0.390 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱2,510.
Narekober din ang buy-bust at boodle money, isang cellphone, at isang single motorcycle.
Matapos ang operasyon, dinala ang suspek sa kustodiya ng kapulisan para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.










