Tuesday, July 7, 2026

Mga senator-judges, malayang maglabas pasok habang isinasagawa ang impeachment trial

Malayang makakalabas pasok ang mga senator-judges sa loob ng Impeachment Court habang nagsasagawa ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang nilinaw ni Impeachment Court Spokesperson Atty. Reginald Tonggol sa kabila ng mga restrictions o paghihigpit sa loob ng session hall o court room sa umpisa pa lang ng paglilitis.

Sinabi ni Tongol na tulad sa plenary session, malaya na lumabas o pumasok ang mga senator-judges sa Impeachment Court kumpara sa ordinary court.

Napuna rin kasi ng mga mamamahayag na panay labas-pasok habang ongoing ang impeachment trial kahapon.

Kung matatandaan, nagmosyon si Senator-judge Pia Cayetano kahapon na payagan ang mga guests sa court room na mag bathroom break, tumayo sa may likod na bahagi ng session hall o kaya ay magdala ng snacks o inumin lalo’t maghapon o magdamagan ang kanilang paglilitis.

Facebook Comments